Home Viral Walong taon na batang babae ibinubugaw ng sariling tiyuhin at tiyahin sa...

Walong taon na batang babae ibinubugaw ng sariling tiyuhin at tiyahin sa internet

SHARE

Naisagip ng mga pulis ang isang walong taon na babae matapos ito ibugaw umano ng kanyang sariling tiyuhin at tiyahin sa pamamagitan ng internet.

Sa isang paupahang bahay sa ‘mabalacat City Pampanga’ ay nasagit ng mga pulis na si alyas ‘Nicole’

Nakita pa ang ‘S*X Toy’ laptop, web-cam at mga condom sa mga taga-Women and Children Protection Center ng Camp Came at non-governmental organization (NGO) na International Justice Mission.

Ayon sa isang ‘british information partner’ Inaalok daw nito ang paghuubad ni Alyas ‘Nicole’ ng kaniyang tiyuhin at tiyahin sa pamamagitan ng internet.

Sa imbestigasyon pa ng mga pulis, 5 taong gulang lang si Nicole nang unang isabak sa online child pornography.

Hindi pa matukoy ng Philippine National Police kung nasaan ang mga magulang ni Nicole pero lumalabas na lumaki na ang bata sa poder ng kaniyang tiyuhin at tiyahin.

Ayon naman kay alyas “Amor,” tiyahin ng biktima, kailangan lang nila ng pera kaya nagawa ang pambubugaw.

Bukod kay Nicole, kinuha na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlo pang menor de edad na anak ng mag-asawa.

Kinasuhan na ang mag-asawa ng paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act.

 

Facebook Comments
SHARE