Home Entertainment Myka Flores, inaming crush si Wendell Ramos humakot ito ng maraming reaction...

Myka Flores, inaming crush si Wendell Ramos humakot ito ng maraming reaction sa social network.

SHARE

Inamin ni “Bubble Gang” member na si Myka Flores na naging crush niya at sinulatan pa ang dating kasamahan sa gag show na si Wendell Ramos. Ano nga ba ang nagustuhan niya sa aktor? Alamin ang kaniyang pag-amin sa programang “Tonight With Arnold Clavio.”

via facebook

Sa isang segment na “Sino?,” inamin ni Myka ang pagkakaroon niya ng crush kay Wendell. Ibinahagi rin ng komedyante na sinulatan pa niya noon ang aktor para ihayag ang kaniyang paghanga rito at hiling na hindi sana ito magbago sa magandang ugali.

MYKA FLORES SINABING

“Sa totoo lang crush ko si Wendell. Tapos, dumating ‘yung point na sinulatan ko talaga siya,” ayon kay Myka, o Marissa Flores sa tunay na buhay.

“Sinabi ko lang na ‘Wendell, may sasabihin ako sa ‘yo pero sana ‘wag kang magbabago. Sinabi ko talaga sa kaniya ‘yon, at huwag lalaki ang kaniyang ulo,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Myka na ang pagiging mabait ang isa sa mga dahilan kaya hinangaan niya si Wendell.

“Mabait, hindi siya ‘yung tipong mayabang. Noong pinaoood ko pa lang ‘yung Bubble Gang, siya ‘yung idol ko talaga,” kuwento pa niya.

WATCH FULL VIDEO”

Facebook Comments
SHARE