Home Politics Lalaking hindi tumayo nong pinatugtog ang ”pambansang awit” ng pinas – arestado

Lalaking hindi tumayo nong pinatugtog ang ”pambansang awit” ng pinas – arestado

SHARE

Inaresto ang isang lalaki matapos na hindi tumayo habang pinatutugtong ang pambansang awit sa loob ng sinehan saq Clark, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Bayle Einstein Gonzales, 20, nang sitahin ni Iraq Chargé d’Affaires Elmer Cato na nasa sinehan din ng mga oras na yun.

Sinabi kay Cato, dalawang beses niyang sinabihan ang suspek na tumayo dahil ip’natutugtog ang Lupang Hinirang ngunit hindi ito nakinig at tuloy lang sa pagkain ng popcorn.

Matapos ang pelikula, nagpatulong si Cato sa mga pulis para arestuhin si Gonzales.

Dahil dito, mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa R.A 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, kung saan may katapat itong multa mula P5,000 hanggang P20,000 at pagkukulong na hindi hihigit sa isang taon.

Facebook Comments
SHARE