Home Entertainment Karla Estrada, inaming meron silang nakaraan ni Romnick Sarmenta

Karla Estrada, inaming meron silang nakaraan ni Romnick Sarmenta

SHARE

Maraming ang kinilig sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, matapos mabunyag ang dating pagkakaugnay ng isa sa hosts nito na si Karla Estrada sa aktor na si Romnick Sarmenta.

Sa pagkikita ng mga ilan sa miyembro ng Wednesday Group ng “That’s Entertainment” para sa kaarawan ni Karla, nahungkat ang nakaraan ng aktres at ni Romnick.

Via “Magandang Buhay” ABS CBN

Via “Magandang Buhay” ABS CBN

“‘Yung isang best friend ko sa Wednesday Group ay lagi kong kasama. So nagtaka ako, sabi niya, ‘Jo, samahan mo ako.’ ‘Di lang ako kasama, (pati) ‘yung co-members. So sabi ko, ‘Go bro, sama kami.’ Nagulat ako, nagulat kaming lahat, biglang si Karla ito ah,” pagbubunyag ni Jojo Abellana.

“Those were the days,” ani Jojo.

Ang sinabi naman ni Karla, mga bata pa sila at parehong single noon sila ni Romnick.
Sa ngayon ay masaya sa kanyang mga anak at asawa si Romnick, na naging parte pa ng seryeng “La Luna Sangre” kung saan bida si Kathryn Bernardo at ang ang anak ni Karla na si Daniel Padilla.

Facebook Comments
SHARE